20% Tax sa Kita ng Savings? Alamin ang Totoong Apekto ng RA 12214 sa ‘Yo

Pag-usapan muna natin ang mainit na balita ngayon—ang RA 12214, or Capital Markets Efficiency Promotions Act.

Ang batas na ito ay nagpapataw ng standardized 20% tax on all bank interest earnings. Emphasis po—interest lang, hindi ‘yung mismong savings mo ang tinatax. Hindi nababawasan ang principal mo—yung kita lang mula sa interest ang may tax.

Starting July 12025 uniform na ang 20% withholding tax sa lahat ng klase ng interest income—Pesos man ‘yan o Dollars, savings, time deposits, bonds, etc.

May mga nagtatanong, “Sir Vince, di ba may withholding tax na talaga noon?” Tama! Meron na noon. Ang pagbabago ngayon ay sa uniformity ng rate.

Before RA 12214, ganito ang setup:

  • Kapag less than 3 years ang term ng deposit, 20% talaga ang tax.
  • Kapag 3 to <4 years, 12% lang.
  • 4 to <5 years, 5% lang.
  • At kung 5 years and up0% tax.

Kaya marami ngayon ang umaangal—lalo na yung mga merong time deposits na 5 years and above. Noon kasi, tinuturo ko pa nga, “Mag-5 years + 1 day kayo para 0% ang tax!” Pero ngayon, flat 20% na.

Kung nag-deposit kayo before July 1,2025 hindi kayo kasama sa bagong tax rates. So kung meron kayong 5-year time deposit na naipasok bago July 1, 2025, 0% pa rin ang tax until maturity. Hindi ito retroactive. Fair pa rin naman.

Ang effect ng batas? Lower net interest para sa mga long-term savers.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *